COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Oct. 28, 2007) – Handa na umano ang militar at pulisya sa Baranbgay at SK elections sa Mindanao sa Lunes.
Sinabi Lt. Col. Julieto Ando, tagapagsalita ng militar sa central Midnanao, na nakikipagtulungan ang Armed Forces sa pulisya upang masigurong tahimik ang halalan.
“Naka-deploy na yun mga tropa natin sa ibat-ibang lugar, partikular sa mga areas na may mga rebelde, upang masigurong hindi maantala ang eleksyon. We are working closely with the police to ensure peaceful elections,” ani Ando sa Mindanao Examiner.
Ito rin ang sinabi ni Supt. Salik Macapantar, hepe ng pulisya sa Basilan. “Handa na rin tayo at katunayan ay nasa kanya-kanyang lugar na ang mga pulis natin. Ready na tayo at sana ay maging matahik ang Barangay at SK elections,” wika naman ni Macapantar.
Nuong nakaraang lingo ay isang kandadato sa Barangay polls ang tinambangan ng mga di-kilalang aramado sa Barangay Bohe Sapa sa lungsod ng Lamitan. Sugatan si Joseph Manuel ngunit nasawi naman ang utol nito ng tamaan ng mga bala.
Ang masakit pa ay inatake rin sa puso at nasawi ang kanilang ama na baranagay chairman sa nasabing lugar matapos na makita sa pagamutan ang bangkay ang anak at kalagayan ni Joseph. Walang umako sa atake. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment