ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Oct. 07) – Hiyawan ang tanging maririnig kahapon sa ibat-ibang mga kainan sa Zamboanga City matapos na magwagi si Manny Pacquiao sa laban nito kay Mexican boxer Marco Anotnio Barera sa Las Vegas.
Hindi magkaumaya ang mga manonood sa kasisigaw sa bawat round ng labanan. Ang iba naman ay tanging kanyaw ang sigaw laban kay Barera na animo ay parang nasa ringside.
“Si Pacquiao na siguro ang pinaka-dakilang boxer na Pilipino. Magaling talaga at proud akong sabihin na ako ay isang Pinoy,” ani Melchor Sadain, isang empleyado.
Mistulang sugal naman ang naging laban ni Pacquiao dahil marami sa mga nanonoor ay nagpustahan. At marami rin ang nadaya dahil hindi pa pa an nagsisimula ang laban ay nasa Internet na ang balitang na-retain ni Pacquiao ang titulo nito bilang WBC International super featherweight champion.
“Hindi ko alam na nasa Internet na yun resulta ng laban ni Manny (Pacquiao) eh pumusta pa naman ako sa kabila, kay Barera, dahil alam kong gigil na gigil ito na matalo si Pacquiao. Naisahan pala ako, buti na lang 200 lang ang pusta ko doon sa katabi kong lalaki,“ wika naman ni Rico Javier, ngunit bakas sa mukha nito ang pagka-asar sa naging pagkatalo.
Ngunit marami naman ang nabuysit sa delayed telecast at sa dami ng commercials sa GMA-7 na siyang nag-ere ng laban. Maging ang Solar Sports sa cable television ay delay rin.
Sa Mindpro Mall naman ay inilabas rin sa sinehan ang laban ni Pacquiao sa halagang P300 bawat isa at tuwang-tuwa ang karamihan dahil wide screen at malaki ang talon ng naturang sinehan.
Nanalo si Pacquiao sa unanimous decision ng mga judges sa mga score na: Jerry Roth, 118-109; Glenn Trowbridge 118-109; at Tom Schreck 115-112. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment