DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Oct. 21, 2007) – Isang Chinese businessman ang pinatay sa lungsod ng Davao City sa Mindanao at posibleng sabit ang grupong Davao Death Squad (DDS) sa krimen.
Sinabi ngayon araw ng pulisya na binaril sa ulo sa dayuhan na tubong lalawigan ng Fujian sa China.
Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay, ngunit sinabi ng pulisya na walang kinalaman ang hold-up sa krimen dahil nabawi pa sa bangkay ang kanyang cell phone, alahas at wallet.
Hindi naman agad ibinigay ng pulisya ang pangalan ng biktima at ipababatid poa umano ito sa Chinese Embassy. Tinatayang nasa 40 taong gulang ang biktima at may negosyo umano sa Davao.
Malaki naman anhg hinala ng iba na ang DDS ang nasa likod ng pamamaslang dahil marami na itong napatay at pinaniniwalaang private goons sa lungsod.
Talamak ang patayan sa Davao at mistulang inutil naman ang mga awtoridad sa kadahilanang ni isang miyembro ng DDS ay walang nadarakip dito.
Daan-daan mga katao na ang napatay ng DDS s amga nakalipas na taon at karamihan sa mga itinumba nito ay mga umano'y kriminal o kaya ay may mga records sa pulisya. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment