MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / Nov. 11, 2007) – Nagpahayag ng suporta ng Estados Unidos sa peace process sa pagitan ng pamahalaang Arroyo at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa katunayan ay mismong si Paul Jones, isa sa mga mataas na opisyal ng embahada ng Estados Unidos, ang nakipagkita kay MILF chieftain Murad Ebrahim kamakalawa sa isang kampo ng mga rebelde sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Inamin naman ito ng MILF at sinabing maganda ang naging paguusap ng dalawa at Sinabi rin ni Jones na patuloy ang suporta ng kanyang bansa sa peace process sa Mindanao.
Isa ang Estados Unidos sa mga bansang nagbubuhos ng malaking pondo sa Mindanao upang maisulong ang kaunlaran ng rehiyon. Karamihan sa mga pondong ito ay naipagpagawa ng mga kalsada at daungan, patubig at kuryente at maraming iba pa.
Naunang nag-alok ang Estados Unidos ng $30-milyon upang pondohan ang iba pang mga proyekto kung magkakaroon ng kasunduan ang pamahalaan at MILF.
Kasalukuyang may peace talks ang dalawang grupo at naniniwala ang pamahalaan na magkakaroon ng resulta ito bago magtapos ng kanyang termino si Pangulong Gloria Arroyo sa 2010. (Mindanao Examiner)
1 comment:
And what do you think of Obadiah Shoher's arguments against the peace process ( samsonblinded.org/blog/we-need-a-respite-from-peace.htm )?
Post a Comment