Sunday, November 04, 2007

Kano, Na-Praning Sa Sunog

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 04, 2007) – Isang sasakyan umano ng mga sudnalong Kano ang nasunog sa lalawigan ng Sulu matapos na mag-overheat ang makina nito, ayon sa ilang military sources dito.

Ang masakit pa umano ay inabandona ng mga sundalong Kano ang sasakyan ng ito’y mag-apoy nuiong kamakalawa at mabuti na lamang at hindi ito sumabog. Naganap ito kamakalawa.

Hindi agad mabatid ang dahilan ng insidente at ayaw rin magsalita ang mga opisyal ukol sa naganap.

Daan-daang mga sundalong Kano ang nasa Sulu at tumutulong sa lokal na militar sa pagsasanay ng mga tropa sa ibat-ibang training. (Mindanao Examiner)

No comments: