SULU (Mindanao Examiner / Nov. 11, 2007) – Ipinatawag kahapon ni Sulu Gov. Sakur Tan ang mga opisyal nito upang pagusapan ang project proposals na isusumite nito sa Saudi Arabia matapos na mangako itong magbubuhos ng tulong sa lalawigan.
Natuwa naman ang maraming mga alkalde ng Sulu at Provincial Board sa naging matagumpay ng pakikipagusap ni Tan sa mga opisyal ng Saudi Embassy ng ito ay anyayahan doon nuong nakaraang lingo.
Kahapon ay agad naman bumalik si Tan sa Sulu upang paghandaan ang pagpasok ng tulong ng Saudi sa lalawigan.
“Malaki ang pasasalamat naming sa Saudi Arabia dahil sa pangakong tulong para sa Sulu at siguradong maraming mga mamamayan ang makikinabang sa mabuting hangarin ng Saudi,” ani Tan sa Mindanao Examiner.
Magbubuhos umano ng malaking tulong ang Saudi Arabia sa upang suportahan ang peace and development efforts sa lalawigan ng Sulu, ayon pa sa Gobernador.
Mismong si Saudi Ambassador Mohammed Ameen Wali ang nangakong tutulong at balak naman imbitahin. "Saudi is very supportive of our peace and development efforts and we are now preparing several project proposals that will help alleviate the situation of the poor in Sulu."
“The support of Saudi Arabia (to Sulu) will surely bring peace and development and livelihood worthy of human dignity. We are launching our own jihad towards the attainment of peace and unity. Other forms of jihad, particularly violent jihad, is primitive," ani Tan.
Noon ay lumagda rin ang Saudi Arabia ng US$20 million loan agreement para sa development ng Mindanao roads project. Bahagi ito ng US$100 million loan agreement financing was sourced from the US$100 sa ilalim ng Saudi Fund for Development (SDF). (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment