Ako (dakong kaliwa) at ang ang aming Batch 86 ng Immaculate Conception College.
Isang araw ay sumagi sa aking isipan ang lugar ng Ozamis City na kung saan ako ay nagtapos ng highschool sa Immaculate Conception College. Nasa Ozamis rin kasi ang aking mahal na lola na siyang kumupkop at nagpaaral sa akin. Naging pasaway din kasi ako sa aking mga magulang noon kahit na ako’y sagana sa luho noon.
May kapatid ang aking ama sa Ozamis at doon sa aking auntie ako ay nakitira rin subalit hindi naging maganda ang pag trato sa akin - minamaltrato niya ako noon kung kayat isinumbong ko sa aking ama at pinalipat ako sa isang boarding house na kaharap lang din ng bahay ng aking auntie.
Habang akoy pinapaaral ng aking ama sa Ozamis City noon ay nasunod rin ang aking luho, hindi naging mabuti ang aking pag aaral, sumama sa barkada, disco rito disco doon at naapektuhan na ang aking pag aaral. Hanggang akoy pinahinto ng aking ama. Kilala ako sa aming eskwelahan bilang magaling sa sayawan, strut dance pa ang uso noon, at ang tawag sa aming grupo ay “The Body Crack Machine.”
Nakilala rin ako sa aking pagiging artista at magaling na atleta dahil sa aking paboritong laro…ang soccer at track and field. Natatandaan ko pa noon na kung tawagin ako ng mga estudyante at kaibigan ay “Tagalog” dahil ako lang yata ang estudyanteng Tagalog sa mga panahon noon – dekada 80!
Sa panahong iyon ay ayaw kong tumigil sa pag aaral subalit matigas ang aking ama at ayaw na akong gastusan dahil raw sa mga kaliyuhan ko…hindi ko raw pinagbuti ang aking pagaaral na siyang magiging puhunan ko sa kinabukasan. Sa pagkakataong iyon gumawa ako ng paraan at naisip ko na mag layas na lamang at naghanap ako ng kamag-anakang kukupkop sa akin – may ilang mga kaibigan rin ang tumulong at sa mga panahon na iyon ko na rin nabatid kung sino ang tunay na nagmamahal sa akin.
Sa mga panahon rin iyon ko nalasap ang tunay na kalbaryo ng buhay, ang hirap na aking dinanas sa malupit na mundong ginagalawan.
Hindi alam ng aking mga classmate at kaibigan na naging working student ako sa aming paaralan at sa totoo lang ako’y hiyang-hiya sa aking sarili dahil ang pagkakilala nila sa akin noon ay may kaya o sinabi sa buhay dahil nga sa magkabilaang mga gimik noon.
Noong una tinago ko muna sa kanila na akoy isang working student, hinhintay kung makalabas lahat ng mga mag aaral sa eskwelahan bago ako mag linis ng hallway at CR. Matapos akong maglinis ay uuwi na ako at maghihintay naman ng gabi dahil waiter naman ako sa isang sikat na bar at inaabot ako ng hanggang madaling araw. Minsan akoy napa luha dahil sa sampung piso lang ang kinikita ko sa panahong iyon, dahil sa totoo lang hindi ko alam ang salitang IPON.
Sa panahong iyon doon ko naalala ang aking mahal na ama, muling gumuhit sa aking ouso at isipan ang mga paalalang aking binalewala. Sabi niya “anak tapusin mo ang iyong pagaaral dahil iyan lamang ang tanging yaman na maiiwan ko sa iyo at iyan rin ang iyung magiging puhunan sa buhay…ang makapagtapos ng pag aaral.”
Hindi rin ako gaanong tumagal sa aking mga pinasok dahil alam kong ito’y pansamatala lamang at hanggang lumapit ako sa aking lola na nakatira sa KOTA area kung na kilalang pinag kutaan noon ng mga sundalong Kastila na tabing-dagat lamang at dito rin ako tumagal habang ako’y nag aaral.
Isang araw dumating ang aking mga magulang at ako’y sinundo upang kunin at muling paaralin sa Cotabato City at laking pasalamat nila sa aking lola na akoy kinupkop pasamantala. Ang sabi ko sa aking sarili na balang araw akoy muling babalik sa Ozamis City na nakataas noo at hindi na mahihiya sa aking mga kamag-aral at kaibigan at nagapi ko ang isang nakakahiyang karanasan at naging inspirasyon ko ang aking pag titiis at sisikap na matapos ang aking pag aaral.
December 28, 2007 at naisipan kung bumalik ng Ozamis City makaraan ng 21 taon upang muling makita ang lungsod na minsang naging bahagi ng aking buhay, na naging saksi sa aking mga nakaraang pagsubok sa aking buhay, at upang muling makita ang aking pinakamamahal na lola.
Isang kaibigan ang nagsabi sa aking may reunion daw ang ICC High School. Pumunta rin kami ng Oroqueta City upang mabisita ang ilang kamg anak at kaibigan na si Tony Abejo, na isang broadcaster at manunulat sa peridico. Nakalipas ang gabi kami ay muling bumalik sa Ozamis at sa pagkakataong iyon hindi ko na pinalampas ang nasabing class reunion ng ICC.
Muli kung nasilayan ang aking mga classmate at ka-batch ng 1986 sa naturang reunion ng gabing iyon, may mga kwento rin sa ilang classmate ko ang nakaka lungkot dahil ang iba ay tuluyan na rin nagapi ng droga ang kanilang buhay.
May ilan rin ang hiwaly na sa asawa at ang iba naman ay dalaga pa rin hanggang ngayon at may ilan rin naging negosyante. Hindi pa rin kumupas ang mga dating kasamahan na guwapo at maganda. Sa aking pakikipagusap sa mga dating kasama sa paaralan ay mistulang komiks ang kwento ng buhay naming lahat.
Mistulang Pelikula ang bawat salaysay ng buhay…may malungkot at may masaya.
Sila’y namangha rin ng makita ako dahil sa aking propesyong pinasok sa buhay – ang pagiging isang PHOTO JOURNALIST na kaya ng humarap sa kanila at pinakita ang ilang mga obra maestra sa diyaryo at magazine. Sa gabing iyon hindi mababayaran ng salapi ang kaligayahang aking naramdaman at napakasaya ko rin dahil muli kong nakasama si LOLA an gang ICC CLASS 86!
Sila’y namangha rin ng makita ako dahil sa aking propesyong pinasok sa buhay – ang pagiging isang PHOTO JOURNALIST na kaya ng humarap sa kanila at pinakita ang ilang mga obra maestra sa diyaryo at magazine. Sa gabing iyon hindi mababayaran ng salapi ang kaligayahang aking naramdaman at napakasaya ko rin dahil muli kong nakasama si LOLA an gang ICC CLASS 86!
No comments:
Post a Comment