MAYNILA, Pilipinas (Mindanao Examiner / Dec. 22, 2007) – Napuno kagabi ng ligaya ang daan-daang mga supporters ni dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos matapos itong dumating mula sa halos 13 taong pagkakapiit sa kasong rape.
Lakas loob umanong lumabas ng New Bilibid Prison si Jalosjos at lumipad diumano patungong Dapitan City sakay ng eroplano matapos na sabihing siya’y isang laya na, bagamat iginigiit ng Malakanyang na hindi pa ito dapat makalaya.
Presidential pardon at release order naman ang ang tanging armas ni Jalosjos.
Nauna na itong lumabas sa Bilibid kamakailan ngunit napilitang bumalik dahil sa pakiusap ng mga nasa pamahalaan upang hindi mapahiya si Pangulong Gloria Arrroyo.
Umani kasi ng batikos sa Arroyo sa ginawa nitong pagpapalaya kay Jalosjos na napatunayang nagkasala matapos na makipagtalik sa isang 11-anyos na batang babae.
May release order si Jalosjos dated Dec. 16, 2007 mula sa NBP.
Gigil na gigil naman si Justice Secretary Raul Gonzales dahil sa iskandalong dinala ng umano’y leak sa media na palalayain na si Jalosjos at mula noon ay pinagbawalan na nito ang dating mambabatas na magbigay ng interview sa mga mamamahayag.
Hindi naman mabatid kung ano ang kahihinatnan ng muling paglabas ni Jalosjos sa NBP.
Sa ulat naman ng GMA-7 ay sinabi nitong mismong si Dapitan City Councilor Apple Agolong ang nagkumpirmang nakabalik na si Jalosjos at nasa City Hall ito na kung saan ay napuno ang paligid ng mga supporters.
Siguradong maraming masisibak sa NBP dahil sa paglaya ni Jalosjos at sa kahihiyang muling ibinigay nito sa Malakanyang. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment