NEGROS OCCIDENTAL (Mindanao Examiner / Dec. 12, 2007) - Pinaghahandaan na umano ng transport sector ang isang malaking rally bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel at iba pang produkto.
Makikilahok umano ang ibat-ibang grupo sa Negros na sasalihan rin ng mga militanteng organisasyon bilang bahagi ng isang national strike.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang lider ng mga aktibista at transport groups sa Negros ukol sa kanilang plano, subali't nagbabala naman ang pulisya sa anumang kaguluhang idudulot ng strike.
Hinihiling ng mga transport groups noon ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel o kaya ay taasan ang pamasahe dahil sa halos wala na umanong naiuuwing pera ang mga driver.
Reklamo rin ng mga operators ang pagtaas naman ng mga piyesa. Nanawagan naman ang ilang mga driver sa publiko na suportahan ang kanilang ipinaglalaban.
Nais ng mga ito na i-deregulate ang batas sa langis dahil kino-kontrol ng Caltex, Petron at Shell ang presyo ng gasolina at diesel. Bukod sa Negros ay makikilahok rin sa rally sa mga susunod na araw ang mga ibang transport groups sa mga lalawigan. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment