ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 30, 2008) – Kalunos-lunos na umano ang estado ng isang beach resort sa Zamboanga City na pinatatakbo ng pamahalaan dahil sa halos wala na umano itong renobasyon.
Dating sikat ang Golf Beach Resort sa Barangay Upper Calarian na nahawakan ng Philippine Tourism Authority ngunit sa kabila ng mataas an singil nito sa bawat isang pumapasok sa resort ay nanatiling sira-sira ang mga daan nito at halos walang tubig sa mga banyo.
Napipilitan tuloy ang maraming mga picnickers na magtungo sa La Vista Beach Resort na pagaari naman ng pamilya ni Mayor Celso Lobregat. Walang choices ang maraming nais na magsaya dahil may mga libreng resort nga ngunit malalayo naman at mabato.
Sa R.T. Lim boulevard naman na sikat na pasyalan at paliguan ng marami ay matindi naman ang polusyon sa tubig dahil sa e-coli bacteria. Ang masakit pa nito ay walang mga sign boards sa kahabaan ng boulevard na nagbibigay babala sa mga manlalangoy ukol sa matinding polusyon.
Ang tapat pa ng naturang beach ay ang Brent Hospital at doon rin lumalabas ang waste water ng lungsod. Nawala na rin ang ibat-ibang kulay na mga ilaw sa lugar na siyang nagpasikat dito nuong dekada 90.
Karamihan sa mga development projects sa Zamboanga City ay sa tuwing sasapit ang pangangampanya ng mga pulitiko. Marami rin mga Muslim at island-barangay ang walang sapat na development projects at inirereklamo ang kakulangan sa street lights, sira-sirang kalye at halos walang mga heath centers sa kabila ng limpak-limpak na pondo ng Zamboanga City mula sa income nito at Internal Revenue Allotment na mahigit sa isang bilyong piso. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment