CEBU (Mindanao Examiner / Mar. 18, 2008) – Maiinit pa rin ang tanggap ng mga taga-Cebu kay NBN-ZTE deal whistle blower Rodolfo “Jun” Lozada kahit na diumano’y binusalan ni Archbishop Ricardo Cardinal Vidal ang bibig ng mga pari na magsalita ukol sa eskandalo na kinasasangkutan ng pamahalaang Arroyo.
Kalat ang balitang pinagbawalan diumano ni Vidal ang mga pari sa Cebu na magmisa kay Lozada ng ito’y dumating doon kamakalawa bilang bahagi ng kanyang pagiikot upang ipabatid sa publiko ang katotohanan sa overpriced NBN-ZTE deal.
Si Vidal ay kilalang supporte ni Pangulong Gloria Arroyo at kamakailan lamang ay napaulat itong makipagkita ng sikreto sa mag-asawang Arroyo sa Wack-Wack.
Bagamat itinanggi ni Vidal na binusalan nito ang mga pari ay umani naman ito ng batijkos mula sa kampo ni Lozada.
Binansagan rin ni Lozada na mayroon “Archbishop of Malakanyang” sa Cebu at ang Black and White Movement naman ay sinabing mistulang “Congressman in Cassock,” si Vidal dahil sa naging asta nito. Nais sana ni Lozada at ng grupo nito na magkaroon ng misa para sa katotohanan sa Cebu, subali’t walang pari ang gustong lumabag sa utos ni Vidal.
Galing si Lozada sa Ilo-ilo na kung saan ay pinagbawalan rin ni Justice Secy. Raul Gonzales ang mga paaralan doon na papagsalitain ito. Subali’t mas mainiit ang naging pagtanggap kay Lozada dahil sa laki ng simpatyang tinanggap nito.
Pilit na sinisira ng Malakanyang ang mga pagbubunyag ni Lozada ukol sa NBN-ZTE deal na kinapapalooban diumano ni dating Elections chief Benjamin Abalos, Sr. na inakusahang nag-overpriced sa proyektong nagkakahalaga ng $330 milyon.
Itinanggi naman ni Abalos at ni Arroyo ang lahat ng bintang. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment