Aliw na aliw ang mga batang ito sa kanilang mga ipinapakitang gilas sa Mauboh beach sa bayan ng Patikul sa Sulu province. Pangungunahan ni Sulu Gov. Sakur Tan ang isang massive clean-up campaign sa ibat-ibang luga sa lalawigan sa Lunes, Abril 21, 2008 sa selebrasyon ng World Earth Day. (Mindanao Examiner Photo/Nickee Butlangan)
SULU (Mindanao Examiner / Apr. 19, 2008) – Isang malaking coastal clean-up ang isasagawa ng lalawigan ng Sulu bilang pakiki-isa sa selebrasyon ng World Earth Day.
Pangungunahan ni Sulu Gov. Sakur Tan ang clean-up drive sa ilang mga beaches sa lalawigan, partikulat sa bayan ng Patikul, na isang potensyal na tourist destination sa katimugan.
Sinabi ni Tan na magsisimula sa Lunes ang clean-up campaign at katuwang rin ng Sulu ang Alliance for Mindanao Off-grid Renewable Energy Program (AMORE) ng US Agency for International Development (UAAID).
Kasama rin sa proyekto ni Tan ang mga sundalong Pinoy at Kano na ngayon ay abala sa ibat-ibang humanitarian mission sa Sulu. ‘Itong clean-up drive natin ay hindi lang dahil sa World Earth Day celebration, ngunit ito ang panimula ng sustaible ecology project ng Sulu upang makatulong naman tayo sa maling problema dulot ng climate change sanhi ng polusyon.”
‘Sisiguraduhin namin na bawat barangay ng lahat ng bayan sa Sulu ay may kaukulang pagaambag sa pananatili ng ating kalikasan at kapaligiran. Ang Sulu ay nanatiling malinis, lalo na ang aming karagatan,” wika pa ni Tan.
Ang tema ngayon taon ay tinawag na "Bayanihan para sa Kalikasan" at ayon kay Tetchie Cruz-Capellan, ng AMORE, ay Malaking hakbang ang isasagawang clean-up sa Sulu upang mapanatiling malinis ang lalawigan.
"This is a very huge concern for us since thousands of our beneficiaries in Sulu depend largely on the Sulu Sea for livelihood. Millions of people depend on the Sulu Sea for food. The sea provides opportunities for all people," sabi pa ni Capellan. (Nickee Butlangan)
No comments:
Post a Comment