Wednesday, May 21, 2008

Mangrove Areas Sa Sulu, Ginawang Pribadong Palaisdaan

COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Mat 21, 2008) – Pinaiimbestigahan ng mga environmentalist ang umano’y talamak na putulan ng mga mangrove trees o bakawan sa lalawigan ng Sulu.

Nabatid na maraming mga lugar sa Sulu, partikular sa Luuk, ang halos talamak ang nasabing putulan at karamihan sa mga ito ay ginagawang fish ponds ng mga tiwaling kapitalista at mangingisda.

Hindi naman agad makapagbigay ng ulat ang Department of Environment and Natural Resources sa Autonomous Region in Muslim Mindanao kung gaano kalawak ang pagkasira ng mga mangrove areas sa nasabing lalawigan.

Nanawagan naman ang mga “environment activists” sa pamunuan ng ARMM na ipag-utos sa DENR ang isang masusing imbestigasyon upang mapatawan ng sapat na kaparusahan ang mga nasa likod na malawakang pagputol ng mga mangrove areas upang gawin pribadong fish ponds.

Ang mangrove areas ay ang nagsisilbing habitat ng maraming mga marine animals. (Mindanao Examiner)

No comments: