MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / July 1, 2008) – Nanawagan kahapon ang Moro Islamic Liberation Front sa mga rebelde sa buong bansa na maghanda na sa diumano’y mahabang pakikibaka nito pasa sa kalayaan ng mga Muslim sa Mindanao.
Kasabay ng panawagan ang pagsiklab naman ng labanan sa pagitan ng MILF at sundalo sa bayan ng Aleosan sa North Cotabato province.
“The central leadership of the Moro Islamic Liberation Front has called on its members throughout Mindanao and Sulu to prepare for a long struggle for freedom and right of self determination of the Bangsamoro people,” ani ng rebeldeng grupo sa kanilang website kahapon na mababasa sa http://www.luwaran.com.
“The clash broke out after rebel forces resisted government soldiers trying to enter the village of Pagangan,” ani MILF spokesman Eid Kabalu sa panayam ng Mindanao Examiner.
“There will be fighting in Mindanao unless the Philippine military stop encroaching into MILF communities,” dagdag pa nito.
Ngunit ibinato naman ng militar sa MILF ang naturang akusasyon at sinabing ang mga rebelde ang umatake sa mga sundalong nagbabantay sa highway sa naturang bayan.
“The MILF attack our troops who were securing a highway and this triggered the fighting,” wika ni Lt. Col. Julieto Ando, ang spokesman ng Army’s 6th Infantry Division.
“Rebel forces also attacked with mortars and automatic weapons several military posts in the town. More than 100 rebels clashed with government troops for several hours until MILF forces retreated to the hinterlands,” sabi pa ni Ando.
Walang inulat na sugatan o nasawi sa magkabilang panig sa labanan.
Nanawagan naman ang militar sa MILF na sumunod sa cease-fire accord at parusahan ang mga rebeldeng sangkot sa mga atake.
“The leadership of the Moro Islamic Liberation Front should abide by the ceasefire agreement and hold its commanders responsible for violating the truce,” ani naman ni Maj. Gamal Hayudini, ang commander ng 4th Civil Relations Group.
“The MILF should hold those commanders responsible for the breach of the ceasefire to show its sincerity towards the peace negotiation process.The absence of accountability from its misguided and rogue members certainly do not help build confidence but rather shatters the people’s hope of a truly peaceful and progressive Mindanao,” wika nito sa hiwalay na panayam kahapon.
Naudlot ang peace talks ng pamahalaang sa MILF mula pa nuong nakaraang taon dahil sa isyu ng ancestral domain na hinihingi naman ng rebeldeng grupo. Ang ancestral domain ang magsisilbing teritoryo ng MILF sa Mindanao. (May dagdag na ulat mula kay Mark Navales)
No comments:
Post a Comment