COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Feb. 19, 2009) – Isinabit ng mga awtoridad kahapon ang Pentagon Gang na siyang nasa likod diumano ng pagdukot sa isang negosyanteng Tsinoy at ng anak nito sa Cotabato City.
Sampung milyon pisong ransom umano ang hinihingi ng mga idnappers kapalit ni Wilson Tan at anak na si Jennifer. Dinukot ang mga ito sa kanilang bahay kamakalawa.
Sinabi ng pulisya na ang Pentagon Gang ang nasa likod nito, ngunit iginigiit naman ng militar na Moro Islamic Liberation Front ang dumukot sa mag-ama dahil armado umanop ng B40 anti-tank rocket ang isang kidnapper.
Itinanggi ito ni Eid Kabalu, isang lider na MILF, at sinabing walang kinalaman ang rebeldeng grupo sa pagdukot at katunayan umano ay tumutulong ito sa paghahanap sa dalawang bihag.
“Wala kaming kinalaman diyan at labag iyan sa Islam. Sa katunayan nga ay tumutulong pa kami sa paghahanap sa mga biktima,” ani Kabalu sa Mindanao Examiner. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment