Friday, February 13, 2009

Sampung Galing Pook awardees, ginawaran ni Pangulong Arroyo

Maynila - Ginawaran ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang sampung Galing Pook Awardeees na nagwagi sa pambansang timpalak upang maging halimbawa ng good governance na maaaring modelo at gayahin ng iba pang mga bayan.

Unang nakatanggap ng parangal ay ang San Carlos City, Negros Occidental na na-elevate sa Galing Pook Award for Continuing Excellenec (ACE) lalo na sa pagsusustini ng local governance program.

Tinanggap ng siyudad ang parehong parangal sa loob ng tatlong sunud sunod na taon.

Ang sampung pinarangalan sa natatanging governance program ay 1. Albay Province para sa Disaster Preparedness and Management; 2. Sultan Kudarat at South Cotabato para sa Multi Sectoral Alliance for Allah Valley Landscape Planning and Management; 3. Barangay Sanito (Ipil, Zamboanga Sibugay) para sa Restoring Peace and Order through a Barangay Local Government Code; 4. Cotabato Province para sa Children Advocates for Peace.

Gayun rin ang mga sumusunod, 5. Marikina City para sa Service Without Delay through Centralized Warehousing; 6. Pampanga province para sa Turning Sand to Cash; 7. Quezon City para sa Turning Payatas into A Model Waste Disposal Facility; 8. San Carlos City (Negros Occidental) para sa Moving Towards a Sustainable City; 9. San Fernando City (Pampanga) para sa Governance as a Shared Responsibility at; 10 Taguig City para sa Condo Living for the Urban Poor. (Venus H. Sarmiento)

No comments: