Ang aftermath ng pagsabog sa Kidapawan City sa North Cotabato province sa Midnanao. Naghigpit na rin ng siguridad ang militar at pulisya sa naturang lugar upang mapigilan ang anumang terorismong balak ng mga masasamang-loob.(Mindanao Examiner Photo / Geo Solmerano)
“Definitely this is the handiwork of the Moro Islamic Liberation Front rebels to force the government to resume negotiations with them,” ani Lt. Col. Jonathan Ponce, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division.
Isang bomba rin ang sumabog dakiong alas 2.45 ng madaling araw sa bus terminal sa Cotabato City at dalawang bus na pagaari ng Husky ang tinamaan ng mga debris. Wala naman nasugatan sa pagsabog. Mahigpit na rin ang siguridad sa Cotabato City.
KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Mar. 23, 2009) – Naghigpit ngayon ng siguridad ang mga awtoridad sa Kidapawan City sa North Cotabato at Cotabato City sa Maguindanao matapos na sumabog ang dalawang bomba na ikinasugat ng 9 katao.
Iniwan ang bomba sa overpass sa downtown Kidapawan nuong Linggo ng gabi at mabilis naman na ibinintang ng Army’s 6th Infantry Division sa Moro Islamic Liberation Front ang pagsabog.
Ngunit sinabi ni Mayor Rodolfo Gantuangco na posibleng Al-Khobar gang ang nasa likod ng atake matapos na mabigo ang nasabing grupo na makakuha ng extortion money sa Kidapawan.
“Definitely this is the handiwork of the Moro Islamic Liberation Front rebels to force the government to resume negotiations with them,” ani Lt. Col. Jonathan Ponce, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division.
Isang bomba rin ang sumabog dakiong alas 2.45 ng madaling araw sa bus terminal sa Cotabato City at dalawang bus na pagaari ng Husky ang tinamaan ng mga debris. Wala naman nasugatan sa pagsabog. Mahigpit na rin ang siguridad sa Cotabato City.
Walang umako sa dalawang pambobomba at mariing itinanggi ng MILF ang lahat ng akusasyon ng militar.
“The motive of the attack is extortion by the MILF-SOG,” wika pa ni Ponce.Ang SOG ay ang Special Operations Group, isang unit ng MILF na sabit sa ibat-ibang karahasan sa Mindanao, ayon pa sa militar.
“Why blame us for everything that is happening in Mindanao, we have nothing to do with it. We are not terrorists,” ani pa ni Eid Kabalu, isang opisyal ng MILF. (May ulat ni Geo Solmerano)
No comments:
Post a Comment