Monday, March 16, 2009

Sayyaf commander, sugatan o patay?

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 16, 2009) – Posibleng napatay o kaya’y sugatan ang isang Abu Sayyaf commander na may bihag sa tatlong Red Cross staff sa lalawigan ng Sulu.

Nagkaroon umano ng sagupaan kanina sa kabundukan ng bayan ng Indanan na kung saan ay hawak ng Abu Sayyaf sina Swiss national Andreas Notterm, Italian Eugenio Vagni at ang Pinay na si Mary Jean Lacaba mula pa nuong Enero 15.

Ang tatlo ay pawang mga staff ng International Committee of the Red Cross (ICRC) at dinukot ang mga ito sa bayan ng Patikul matapos na bumisita sa isang bilanguan upang tignan ang ilang proyekto doon.

Sa intelligence report ng militar ay pilit umanong tumatakas si Albader Parad mula sa cordon ng militar at pulisya sa kabundukan ng ito’y birahin ng mga snipers. Isa pang kasamahan na nagtangkang tulungan si Parad ang tinira rin ng militar.

Hindi naman sinasagot ni Western Mindanao military chief Gen. Nelson Allaga ang tawag sa kanyang cellphone upang makunan ng pahayag kung tutuong sugatan o kaya’y napatay na si Parad.

Ilang ulit na kasing ibinabalita ng militar na maramin na itong napapatay na mga commander ng Abu Sayyaf, ngunit kalimitan sa mga ito ay false report.

Sinabi naman ni Alain Aeschlimann, ang ICRC's head of operations for East Asia, South-East Asia and the Pacific, na patuloy itong nakikipagtulungan sa mga awtoridad upang masigurong ligtas sa kapahamakan ang mga bihag.

“We are doing everything we can to obtain the safe and swift release of our staff. It's frustrating for everyone, especially our three kidnapped colleagues and their families, that this has gone on for so long. We would very much like to see some rapid and meaningful progress towards resolving this crisis.”

“There are a lot of different people within and outside the ICRC, who are working to make this happen. We're counting on everyone involved to do their utmost to ensure the safe and unconditional release of Mary Jean, Andreas and Eugenio. Their wellbeing must come first and no action should be undertaken that would put their lives in danger. We reiterate our appeal to the kidnappers to let them go,” ani Aeschlimann.

Napabalitang humihingi ng $10 milyon ransom ang teroristang Abu Sayyaf kapalit ng mga bihag.
(Mindanao Examiner)

No comments: