Wednesday, May 06, 2009

ARMM may bagong Labor chief na!

COTABATO CITY (Mindanao Examiner / MAy 6, 2009) - Itinalaga ni Governor Datu Zaldy Uy Ampatuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) si Emmanuel Alano bilang bagong kalihim ng Department of Labor and Employment sa naturang rehiyon.

Pinalitan ni Alano si Secretary Antonio Mariano, ayon sa pahayag ng ARMM Bureau of Public Information.

Ayon sa bagong kalihim, hinde bago sa kanya ang matalaga sa nasabing ahanesya dahil naging kalihim rin ito ng DOLE-ARMM noong administrasyon ni ARMM Governor Parouk Hussin.

Nagpapasalamat naman si Alano kay Ampatuan sa ibinigay nitong tiwala kung kaya't nangako itong gagawin ang lahat upang mabigyan ng trabaho at mapaganda ang estado ng kabuhayan ng mga mamamayan at mga manggagawa sa ARMM na binubuo ng mga lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao at Maguindanao.

Dinagdag pa ni Alano na titignan din niya ang kapakanan ng pribadong sektor sa ARMM upang maging kasama sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng rehiyon.

Bilang paunang hakbang sa kanyang pamumuno, pupulungin umano ni Alano ang kanyang mga kawani bukas upang malaman ang katayuan ng mga programang ipinapatupad ng ahensya. (Mindanao Examiner)

No comments: