ISABELA CITY, Basilan (Mindanao Examiner / June 29, 2009) – Patuloy na umaani ng papuri ang isang kilalang negosyante sa Isabela City sa Basilan province dahil sa magandang halimbawa sa lipunan at pagtulong nito sa mga mahihirap.
Si Edwin Alvarez Pantaleta ay kilalang pilantropo at likas na matulungin dahil na rin sa karanasan nito mula sa pagkabata na siyang humubog sa kanyang kadakilaan.
Malimit na hingan ng abiso ng mga lider ng ibat-ibang barangay sa Isabela si Edwin dahil sa malawak nitong kaalaman sa mga aspetong may kinalaman sa kalakal, sa pamamahala at iba pa.
Sa edad na 37 ay napatunayan na rin ni Edwin na ang pagsisikap at pagiging matiyaga ay mahalagang bagay sa bawat isa upang marating ang mga mithiin.
Si Edwin Alvarez Pantaleta ay kilalang pilantropo at likas na matulungin dahil na rin sa karanasan nito mula sa pagkabata na siyang humubog sa kanyang kadakilaan.
Malimit na hingan ng abiso ng mga lider ng ibat-ibang barangay sa Isabela si Edwin dahil sa malawak nitong kaalaman sa mga aspetong may kinalaman sa kalakal, sa pamamahala at iba pa.
Sa edad na 37 ay napatunayan na rin ni Edwin na ang pagsisikap at pagiging matiyaga ay mahalagang bagay sa bawat isa upang marating ang mga mithiin.
Bagama’t malaki ang tagumpay ni Edwin sa kanyang negosyo ay palagi naman nitong pinasasalamatan ang Panginoon na siyang gumagabay sa bawat hakbangin na sinusuong – mula noon at hanggang ngayon.
Lingid sa kaalaman ng iba ay galing sa isang maralitang pamilya si Edwin Pantaleta.
Ang ama ni Edwin na si Timoteo Salazar Pantaleta ay isang magsasaka at ang inang si Angelina Rollano Alvarez ay labandera naman at sa edad na 2 ay nagkahiwalay ang mga magulang nito. Ngunit hindi naging hadlang ito o ang kahirapan ng pamilya upang marating ni Edwin ang kanyang mga pangarap.
Mistulang pelikula diumano ang buhay ni Edwin, ayon sa mga kaibigan, dahil na rin sa makulay na istorya ng buhay nito.
Tubong-Isabela City si Edwin Pantaleta – ipinanganak ito nuong Enero 23, 1972 sa Barangay Binuangan. Nagtapos ito ng elementarya, high school at college sa Isabela at may bachelor’s degree – isang tanyag na accountant rin si Edwin.
Naalala pa nga ni Edwin na nuong nag-aaral pa ito ay butas na sinelas at sapatos ang tanging gamit. “Sa Sirin(Sunset) kami nakatira noon at mula elementary hanggang kolehiyo ay tiyaga talaga ang naging gabay ko. Rain or shine noon ay talagang pumapasok ako sa paaralan – walang baon at walang magarang gamit na tulad ng mga iba. Yun mga kaklase ko nga ay hinahatian ako ng kanilang baon dahil wala nga talaga akong pagkain,” salaysay pa ni Edwin.
“Mula Grade 1 hanggang Grade 4 ay net bag nga ang gamit ko at ang tanging laman nito ay pad paper, minsan nga eh wala pa at humihingi lang ako sa mga kaklase ko sa Isabela East Central Elementary School, pero hindi naman ito naging hadlang sa kagustuhan kong makapag-aral,” dagdag pa ni Edwin.
Naalala pa nga ni Edwin na naging ka-batch pa nito ang artistang si John Estrada sa Isabela Pilot Elementary School na kung saan ay doon ito lumipat ng Grade 5 at doon na rin nagtapos.
“Nuong high school naman ay nasa special section ako – yun ‘try out class’ kung tawagin – at naka short pants nga lang ako noon butas pa rin ang sapatos,” wika nito at natawa pa ng maalalang ang naturang butas na sapatos rin ang kanyang ginamit ng mapili bilang isang soccer player ng paaralan.
Nang 4th year high school naman si Edwin ay namasukan rin ito bilang janitor ni Bishop Jose Ma. Qurexeta na kung saan nga ay isang cook ang ina nito. At lumipat na nga ng bahay si Edwin at nanirahan sa Barangay Sunrise.
“Doon ko na rin nakita kung gaano karaming mga maralita ang nagpupunta kay Bishop Qurexeta upang humihingi ng tulong, kaya ngayon ay gusto ko rin makapaglingkod at tumulong sa mga mahihirap na kababayan ko sa Isabela dahil alam ko kung gaano kahirap ang mamuhay ng wala,” ani Edwin.
Likas ang angking talino ni Edwin at 3rd year college pa lamang ito ng makapasa sa sub-professional level ng Civil Service examination nuong 1992.
Matagumpay rin natapos ni Edwin ang kanyang Post Graduate studies sa Ateneo de Zamboanga at mayroon rin itong Master’s Degree in Business Administration, bukod sa pagiging scholar ng Land Bank of the Philippines - National Scholarship for Development (NSFD). Naging scholar rin ito ng PESFA dahil sa matataas na grado at may cash gift pa sa tuwing makakakuha ng grading hindi bababa sa 1.5 o 95%.
Likas na masipag si Edwin – namasukan ito sa Land Bank of the Philippines at doon ay nanungkulan mula 1994-2007 bilang Agrarian Operations Specialist. Naging academic instructor rin si Edwin sa Claret College of Isabela.
Sa kasalukuyan ay siya ang tumatayong General Manager ng Basilan Country Development Cooperative. At bukod sa mga tagumpay sa edukasyon at larangan ng kalakal, ay isa rin commander (Chief of Finance) sa Philippine Coast Guard Auxiliary-CGADSWM District si Edwin Pantaleta.
Ibat-ibang mga samahan at organisasyon rin ang hinahawakan ni Edwin sa kasalukuyan at patunay lamang ito sa kanyang husay at dedikasyon sa trabaho at tungkulin.
Ang ilan sa mga ito ay ang Jessica Hills Homeowners Association na kung san ay siya ang pangulo; gayun rin sa Basilan Football Association, Rotary Club of Basilan –SMPHF; BCHS/BNHS Alumni Association (Auditor), Prelature of Isabela (Extra Ordinary Communion Minister), Worldwide Marriage Encounter (WME) - Ecclesial Couple (Basilan Satellite) at INTELCEPT.
Si Edwin rin ang nagtatag ng Lapaz Youth Organization sa Isabela at naging volunteer pa ng Philippine National Red Cross at ilang mga religious organizations.
Kabilang rin sa mga accomplishments ni Edwin ay ang pag-organisa nito ng mga kooperatiba sa bayan ng Sumisip, Lamitan City at Isabela City sa Basilan.
Isinalaysay rin ni Edwin sa Mindanao Examiner ang kanyang karanasan sa buhay at ito rin ang nagsisilbing gabay sa maraming mga taong naniniwala sa kanya.
“Mahirap ang naging buhay ko noon dahil sa murang edad pa lamang ay naghiwalay na ang aking mga magulang. Dalawang taon yata ako noon ng maghiwalay ang aking ama’t ina sa kadahilang sila lamang ang makakasagot.”
“Kaming magkakapatid na Cristina at Rosella, Melvin, Pacita at Zenaida at Jaime ay napunta sa ama, samantalang ang isa namin kapatid na si Godelia ay nasa ina naman,” ani Edwin.
Sinabi pa ni Edwin na sa edad 5 ay tinutulungan na nito ang kanyang ama sa pagsasaka at iba pang gawain sa copra.
“Naalala ko pa nga na yun sakahan ay hindi namin lupain. Ngunit after two years, kinuha ako ng aking ina at pinag-aral naman. Natatandaan ko rin kung gaano kalayo ang aking nilalakad upang mangahoy at mamitas ng mga saging para maluto at maipagbili at makaipon ng perang pangbigas at ulam - siguro halos dalawa’t kalahating kilometro ang layo ng aking nilalakad bitbit ang mga saging at kahoy na panggatong,” wika pa ni Edwin.
Namulot rin ng basura si Edwin – mga plastic at bote – at ibinibenta ito sa junk shop upang makadagdag sa gastusin ng kanyang pamilya.
“Pati nga yun mga tuyo at daing na nalaglag sa lupa ng mga bularan ay inaamut ko na rin para may ulam kami dahil hindi nga kasya ang perang kinikita ni Nanay sa paglalaba. Talagang mahirap ang buhay na dinanas ko. Sipag at tiyaga lang talaga ang aking gabay. Nuong nagaaral nga ako sa high school ay short pants lang ang gamit ko kasi hindi namin kayang bumili ng pantaloon na uniporme, ngunit sa awa naman ng Diyos ay nakaraos rin at napili pa akong maging player ng soccer nuong 3rd year sa Basilan National High School,” kwento pa ni Edwin.
Pinasok rin nito ang pagiging kargador at truck man sa mga proyekto ni Bishop Jose Ma. Querexeta. Paulit-ulit na inamin ni Edwin na sa kabila ng matinding kahirapan sa buhay ay nagpumulit itong mag-aral at magtrabaho upang marating ang kanyang pangarap.
“Kahit mahirap at walang pera ay sige lang ako at hindi ito naging hadlang sa akin dahil gusto ko talagang makatapos at makapagtrabaho upang matulungan ang aking pamilya. Sabi ko nga sa aking sarili ay balang araw maiaahon ko rin sa kahirapan ang aking pamilya at nakatuon ako sa pangarap na yan at sa tulong ng Diyos ay naabot ko ang aking pangarap,” dagdag pa ni Edwin.
Nuong Nobyembre 1995 ay ikinasal si Edwin kay Naomi Anguet Casinillo, ng Barangay Begang sa Isabela City rin at mula noon ay nagsikap silang dalawa upang makipag-ipon. Ibat-ibang mga negosyo ang pinasok nina Edwin at Naomi - mula mga ready-to-wear clothes hanggang sa copra at goma upang maitaguyod naman ang sariling pamilya at kinabukasan ng limang anak na sina Eunice, 13; Ednico, 12; Earl Jan, 7; Ed Daniel, 5; at Emerly Naomh, 2.
Ngayon ay isa ng tanyag na civic leader at matagumpay na negosyante si Edwin Pantaleta. May mga scholars na rin itong pinagaaral sa Claret bilang ganti sa kabutihan ng Panginoon sa kanya. Anong tanging hangad na lamang nito ay kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng Isabela.
“My positive outlooks in life enabled me to successfully battle and win over the difficulties, and embark on bountiful activities that would benefit my family and the community I live in and most of all …the poor. The greatest rapture of my life is to see a well-transformed city and better Isabela – my beloved home and people,” pangwakas pa ni Edwin. (Mindanao Examiner Feature)
No comments:
Post a Comment