COTABATO CITY (Mindanao Examiner / July 1, 2009) – Niyanig ng lindol kahapon ang lalawigan ng Agusan del Sur sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao, ngunit walang inulat na nasawi o nasirang mga gusali.
Ayon sa alert na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay naitala ang lakas ng lindol sa 3.7 sa Richter scale. Naganap ang lindol dakong alas 10.30 ng umaga halos 23 kilometro mula sa bayan ng Prosperidad.
Tinatayang mahigit sa tatlong kilometro ang lalim sa lupa ng pinagmulan nito. Naramdaman rin umano sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon ang lindol.
Ang Pilipinas ay nasa tinatawag na “Ring of Fire,” isang malaking area sa mundo, particular sa Pacific Ocean, na kung saan ay madalas ang mga seismic at volcanic activity.
Kasama sa Ring of Fire ang Andes Mountains sa South America, ang coastal regions ng western Central at North America, ang Aleutian at Kuril islands, ang Kamchatka Peninsula sa Japan, ang Taiwan at eastern Indonesia, gayun rin ang New Zealand at mga isla sa western Pacific. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment