ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Agosto 30, 2009) – Kaliwat-kanan na naman ang mga pagpaslang sa lungsod ng Zamboanga at base sa ulat ng pulisya ay umabot na sa mahigit 20 ang bilang ng mga nasawi mula nitong buwan.
Inamin naman ng pulisya na karamihan sa mga patayan ay dahil sa personal grudge, ngunit naaalarma naman ang publiko sa patuloy na pagtaas ng krimen sa Zamboanga.
Isinisisi naman ng iba ang mga patayan sa gun-for-hire na siyang nasa likod sa karamihan ng mga krimen. Ngunit bigo naman ang pulisya na matunton ang mga kinaroroonan ng mga ito.
Bukod pa ito sa mga bangkay na natatagpuan sa ibat-ibang lugar sa Zamboanga.
Mataas rin ang bilang ng mga kaso ng nakawan ng motorsiklo sa lungsod at karamihan sa mga ito ay ibinibenta rin sa ibang lugar o kaya ay binabaklas at saka ipinagbibili ang mga piyesa sa murang halaga.
Mataas rin ang problema ng droga sa Zamboanga at kamakailan ay isang “shabu tiange” umano ang nabuwag ng mga awtoridad sa Barangay Recodo na kilalang lugar na kung saan ay Talamak ang bentahan ng ipinagbabawal na droga. Sinabi ng pulisya na puspusan ang kanilang kampanya upang magigil ang paglaganap ng krimen sa lungsod. (Mindanao Examiner)
Sunday, August 30, 2009
Krimen sa Zambo, tumataas; patayan patuloy pa rin!
Labels:
Crime News,
Tagalog News,
Zamboanga City
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment