COTABATO CITY (Mindanao Examiner / August 18, 2009) – Hati ang opinyon ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front sa proposal na gawin negosyador ang Pinoy boxing legend na si Manny Pacquiao.
Mismong si Senator Aquilino Pimentel ang nagpalutang ng proposal dahil umano sa katanyagan ni Pacquiao. Ngunit sa panig naman ni MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal ay dapat sapat umano ang kaalaman ni Pacquiao upang maintindihan ang problema ng mga Muslim sa Mindanao.
Pabor naman si Pacquiao na tumulong sa pamahalaan para sa kapakanan ng bansa at ng peace process.
Hindi naman mabatid kung makaka-apekto ba ang pagiging Army reservist ni Pacquiao sa kanyang role bilang negosyador kung sakaling patusin ng Malakanyang ang proposal ni Pimentel. Si Pacquiao ay isang sarhento sa reserve command ng Philippine Army.
Maaring manganib rin ang buhay ni Pacquiao dahil baka ito madukot habang nakikipagusap sa mga rebelde at ipatubos sa kanyang pamilya.
Sinabi naman sa Mindanao Examiner ni Eid Kabalu, isang senior MILF leader, na walang masama kung tumulong si Pacquiao sa peace talks.
“With all due respect, kahit saan galing ang good idea that will contribute to the resolution of the Bangsamoro problem is welcome. Kahit sino basta makakatulong sa kapayapaan ay welcome,” ani pa ni Kabalu.
Ngunti sinabi ni Kabalu na kung talagang sinsero ang Malakanyang na gamitin si Pacquiao bilang isa sa mga negosyador ay dapat itong pormal na ihain sa peace panel.
Idinagdag pa ni Kabalu na sa sobrang yaman ni Pacquiao ay pede itong makakatulong sa maraming mahihirap na Muslim sa Mindanao. “It’s good if he can spend some of his wealth for the improvement of the lives of our poor people in Mindanao,” wika ni Kabalu. (Mindanao Examiner)
Tuesday, August 18, 2009
Liderato ng MILF, hati kay Manny Pacquiao!
Labels:
Eid Kabalu,
Manny Pacquiao,
MILF,
Peace Talks,
Senator Aquilino Pimentel
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment