Wednesday, August 12, 2009

Sulu, todo-kayud muli!


ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / August 12, 2009) – Pinaigting ni Sulu Gov. Sakur Tan ang ibat-ibang proyektong pangkabuhayan sa kanyang lalawigan bilang bahagi umano ng anti-poverty alleviation program.

Ipinag-utos ni Tan kahapon ang isang masigasig na kampanya sa ibat-ibang bayan ukol sa kooperatiba at ng sa gayun ay matulungan umano ang mga magsasaka at mangingisda. Nag-utos rin ito na dagdagan ang mga fish cages sa mga coastal town upang magsilbing pilot projects ng mga residente doon.

Sa hanay naman ng mga magsasaka ay marami na rin diumanong nagtatanim ng coffee beans dahil sa magandang market nito. Dati ay pulos mga kamoteng-kahoy lamang ang kanilang tanim, ayon kay Tan.

“Marami ng gustong maglagay ng kooperatiba, pero kailangan ay dumaan muna ang mga miyembro nito sa seminar upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman. So far eh okay naman at maganda ang response ng ating mga kababayan.”

“Sa katunayan nga eh kailan lang ay nagtapos kami ng isang cooperative training and seminar and this will give our farmers and fisher folks an alternative source of income. We will provide them the necessary funding for their projects at ilan lamang ito sa ating mga livelihood projects ngayon,” wika pa ni Tan.

Inamin ni Tan na naghahabol ito sa mga programang nabalam dahil sa kidnapping nitong taon ng tatlong Red Cross workers na napalaya na rin lahat.

“Maraming trabaho ngayon at halos every day ay may meetings kami about all these programs and we have a lot of things to do to bring back the glory that is Sulu. Lahat ngayon eh nagtutulong-tulong para muling kaming makabangon,” ani Tan.

Nasa ilalim pa rin ng state of emergency ang buong Sulu matapos itong i-deklara ni Tan dahil sa Red Cross kidnappings. Suportado naman ng Malakanyang at ng Department of Interior and Local Government ito. (Mindanao Examiner)

No comments: