ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Agosto 1, 2009) – Nakidalamhati kahapon ang buong puwersa ng militar at pulisya sa Western Mindanao sa pagpanaw ni dating Pangulong Corazon Aquino dahil sa komplikasyon sanhi ng colon cancer.
Sa Zamboanga City ay ipinag-utos ni Maj. Gen. Benjamin Dolorfino na ilagay sa half-mast ang lahat ng watawat sa buong Western Mindanao bilang respeto at pagdadalamhati ng mga sundalo.
Maging ang pulisysa sa rehiyon ay nagbaba na rin ng kanilang watawat sa half-mast.
“The Western Mindanao Command condoles with the Aquino family in the passing of one of our nation’s icon of democracy, ex-President Corazon Aquino,” ani Dolorfino sa kanyang pahayag sa media.
Ito rin ang iniutos ni Sulu Gov. Sakur Tan sa buong militar, pulisya at ahensya ng pamahalaan sa lalawigan. Kahapon ay nakababa na sa half-mast ang mga watawat sa Sulu.
“Isang tunay na simbolo ng demokrasya si dating Pangulong Cory Aquino at nakikidalamhati ako at ang aking pamilya at kaanak, at gayun na rin ang buong lalawigan ng Sulu sa pagpanaw ni Madam Cory.”
“Hindi natin malilimutan ang kabayanihan ni former President Aquino at ang panunumbalik ng ating kalayaan,” ani Tan. (Jung Francisco)
No comments:
Post a Comment