Wednesday, September 09, 2009

Dennis Trillo, 1 pa naaksidente sa Boracay; kasamahan patay!

MAYNILA (Mindanao Examiner / September 9, 2009) – Isinugod kahapon sa pagamutan si Dennis Trillo at ang kasamang si Maxine Eidemann matapos ng umano’y isang trahedyang kumitil sa buhay ng kanilang kasamahang si Jolibee Bordajo sa Boracay island sa Bisayas.

Ayon sa ulat ng dzRH ay nadulas umano si Bordajo sa karagatan ng Boracay habang nagsasaya ang tatlo. Pinilit umanong sagipin nina Trillo (larawan mula sa facebook) si Bordajo ngunit nabigo ito at hindi na umano inabot ng pagamutan ang biktima.

Binigyan diumano ng first aid sina Trillo at Eidemann sa pagamutan sa nasabing isla.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang pagamutan at isinara umano pansamantala ito dahil sa dami ng taong nakikiusyoso sa naganap kina Trillo.

Nasa state of shock pa umano si Trillo at hindi makapaniwala sa naganap na trahedya. Hindi naman agad makunan ng pahayag ang kampo ni Trillo o ang pamilya nito ukol sa naturang balita. (Mindanao Examiner)

No comments: