MAYNILA (Mindanao Examiner / September 3, 2009 – Nagmistulang isang Youtube sensation si Presidential son, Rep. Juan (Mikey) Miguel Arroyo, matapos na lumutang ang interview nito sa GMA-7 ukol sa mga ari-arian sa Estados Unidos.
Sensation nga na maituturing, ngunit hindi dahil sa pagiging singer or artista tulad nina Charice at Arnel Pineda, subalit dahil sa dami ng mga batikos na natanggap nito mula sa mga ibat-ibang Youtube users at makikita ang mga pasaring kay Mikey sa http://www.youtube.com/watch?v=4q0JKzpjh_o.
Ito ay may kinalaman sa pag-amin na ginawa ni Mikey sa naturang panayam na galing ang yaman nito sa mga political donors at regalo ng mga kung sino-sino ng ito ay ikasal sa sariling pinsan.
Sa Youtube channel ni “Pinaswatcher” ay isa Jesse Pauleen ang nagsabing: “nagtangatangahan pero hindi nag I'M SORRY...hindi naturuan ng nanay ang batang ito... inamin pa ng kolokoy na tumatanggap xa ng pera sa eleksyon pati regalo sa kasal isinama?...may nakalimutan pa ata ang buhong... jueteng at lahar illegal income hindi isinama? bwahahahaha.....mabuti pa cnabi na lang nya pumupusta xa sa tuwing laban ni manny pacquiao kaya lumobo ang ulo nya..este...ung kayamanan nya…”
Nuong Agosto 31 lamang na-upload ang interview kay Mikey ni Arnold Clavio ng GMA-7 ngunit umabot na sa mahigit 23,000 ang hits nito at karamihan ay galit, pagmumura ang batikos na nakuha mula sa publiko – hindi lamang sa mga Pinoy, ngunit maging mga dayuhan rin na nakatutok sa mga Arroyo ang pagbabantay.
Isang user pa na nagpakilalang si Stanley ang nag-iwan ng comment: “Mikey, you are so arrogant, you really think you are above the law. I hope you get to watch yourself and see how stupid you look. You are no match to Winnie Monsod. You can't even look at her because you know she knows you are LYING. Si Arnold naman parang trying to soften the words of Winnie, kakainis.”
Mula naman kay Malaya1025 ay sinabing nitong: “What a brave face...caught in his own words...Remember the smoke of irregularities and misdeeds will explode in to flame and burn your greediness! "
Malinaw umano sa mga nag-iwan ng comment sa nakapanood na interview ni Mikey na matindi ang galit at suklam ng marami sa mga Arroyo. Kaliwa’t-kanan ang iskadalong dumating sa pamahalaang Arroyo mula ng maupo ang Pangulo nuong 2001. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment