Mga journalists at pamilya at kaanak, at mga human rights advocates na dumayo nuong Sabado, Enero 23, 2009 sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao upang gunitain ang ika-dalawang buwan ng binansagan ‘Maguidanao Massacre’ na kung saan ay 57 katao, kabilang ang 31 mga journalists ang walang-awang pinatay nuong nakaraang Nobyembre 23. (Mga larawan kuha nina Geo at Giovanni Solmerano / Mindanao Examiner)
MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / January 24, 2010) – Hustisya pa rin ang isinisigaw ng mga pamilya at kaanak ng mga 57 biktima ng Maguindanao massacre na naganap dalawang buwan na ang nakalipas.
Kabilang sa mga walang-awang pinatay ay 31 journalists na sumama lamang sa convoy ng asawa ni Buluan town vice mayor Esmael Mangudadatu upang maghain lamang ng certificate of candidacy ng pulitikong tatakbo sa pagka-gobernador ng Maguindanao nuong Nob. 23 sa bayan ng Ampatuan. Bahagi ang lalawigan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon sa pulisya ay hinarang ang convoy ng halos 100 armado sa pangunguna diumano ni Datu Unsay town mayor Andal Ampatuan Jr., na ang ama ay ang kasalukuyang gobernador ng Maguindanao, at saka dinala sa Ampatuan at doon ay pinagbabaril sa ulo, mukha at maseselang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima sa kabila ng kanilang pagsusumamo at pagmamakaawa.
Nuong Sabado ay halos 100 mga kaanak, pamilya, human rights advocates at journalists ang nagtungo sa bayan ng Ampatuan at doon ay nag-alay ang mga ito ng dasal at kandila at bulaklak sa mga grave sites na kung saan ay nabawi ang mga bangkay ng 57 biktima.
"Mahirap at talagang marami ang naiyak habang nagaalay ng dasal ang lahat. Masakit pa rin kasi sa damdamin ng mga pamilya ng massacre ang alaala ng karumal-dumal na krimen. Hustisya ang hinihingi ng lahat para matahimik ang mga kaluluwa ng mga napatay," ani Geo Solmerano, ang bureau chief ng regional newspaper Mindanao Examiner.
Nakapiit sa National Bureau of Investigation sa Maynila si Andal Ampatuan Jr., matapos itong sumuko sa mga awtoridad nuong nakaraang taon at isinabit rin ng pulisya ang ama nito at ang kapatid na si Zaldy Ampatuan, ang gobernador ng ARMM, at ilan pang mga clan members na nahaharap sa kasong rebelyon. (May karagdagang ulat sina Geo at Giovanni Solmerano)

No comments:
Post a Comment