Si Alberto Loyola, sa loob ng kanyang booth sa radio station dxRJ sa lungsod ng Iligan na biktima ng pananakit ng isang lokal na konsehal. (Mindanao Examiner / Merlyn Manos)
ILIGAN CITY, Philippines (Mindanao Examiner / January 15, 2010) – Nahaharap sa malaking problema ang isang konsehal ng lungsod ng Iligan matapos itong akusahan ng pananakit ng isang radio brodkaster.
Isinumbong sa Mindanao Examiner ni Alberto Loyola, ng radio station dxRJ at may hawak sa programang “Radyo Patrol,” na nilusob diumano ni Konsehal Chonilo Ruiz ang himpilan at doon ay sinapak ang kanyang muka at pinilipit pa ang leeg dahil sa kanyang balita at komento ukol sa pondo ng pamahalaang.
Nuong Enero 13 naganap ang pananakit, ayon kay Loyola at isinalaysay nito na nagalit umano si Ruiz sa kanya dahil sa pagbibintang nito sa konsehal na “botboton,” na ang ibig sabihin sa diyalektong Bisaya ay “sinungaling.”
Ito’y matapos na ipahayag ng konsehal na may pondong P14 milyon para sa services committee na gagamitin ng naturang committee at para sa pagpapakain sa mga opisyal at iba sa tuwing may mga public hearing ukol sa ibat-ibang isyu sa Iligan. Sinabi ni Loyola na wala itong nakitang pagpapakain dahil ilang beses rin umano siyang umatend ng mga public hearing at ni- isang toothpick ay wala itong nakita o natanggap kung kaya’t tinawag nitong sinungaling si Ruiz.
Sinabi rin diumano ni Racel Babutin, budget officer, na naubos ang pondo ng services committee sa mga pasahod diumano ng mga casual employees na taliwas naman sa sinabi ni Ruiz na sa pakain sa mga public hearing ito gagastusin.
Kung kaya’t nabigla na lamang si Loyola ng biglang sumugod sa kanyang booth si Ruiz. Ang akala umano ni Loyola ay nagtungo sa radio station si Ruiz upang ibigay ang kanyang side, ngunit iba pala ang motibo nito.
Ipinagtanggol naman ni Ruiz ang sarili sa mga akusasyon ni Loyola at sinabing matagal na umano itong nagtitimpi sa mga batikos ng broadcaster kung kaya’t nagawa nito ang pananakit.
Sinabi ni Ruiz na hindi umano siya nilulubayan o tinatantanan ni Loyola sa pag sira sa kanyang dangal. “Lahat ng tao, mapa-pulitiko man o hindi o kaya ay ordinaryong tao ay may karapatan rin na respituhin,” ani Ruiz. “Sana ang media ay marunong din mag balanse kung ang taong tinitira nila ay kayang tiisin ang lahat ng mga batikos sa kanila.”
Inamin naman ni Ruiz na nadala lamang siya ng kanyang emosyon dahil sa matinding batikos na nakukuha mula kay Loyola. Nagsisi umano ito sa nagawa, ngunit magsasampa diumano ito ng kasong oral defamation laban kay Loyola na Maghahain rin ng kaso laban sa konsehal.
Ayon kay Maricris Badlon, kasamahan ni Loyola na nakasaksi sa naganap, ay nagulantang rin umano ito sa bilis ng mga pangyayari, ngunit narining umano sa ere ng publiko ang lahat ng ingay at naganap sa loob ng announcer’s booth.
Naawat lamang ang pananakit ni Ruiz kay Loyola ng dumating si Sabas Rejas Jr., ang tagapamahala ng RJ Clubhouse na pag aari ni Ramon Jacinto. Mabilis naman na lumisan si Ruiz matapos na makaalpas si Loyola, ani Rejas.
Sinabi ni Loyola na hindi nito lulubayan ng batikos si Ruiz dahil may karapatan umano ang publiko na malaman kung saan napupunta ang pondo ng pamahalaang.
Mariing binatikos naman ng National Union of Journalists of the Philippines sa Iligan ang pananakit ni Ruiz kay Loyola at naglabas ito ng pahayag.
“We, the officers and members of the National Union of Journalists of the Philippines Iligan City - Lanao chapter strongly condemned the barbaric act, harassment , unbecoming and unprofessional attitude of Iligan City Councilor Chonilo Ruiz who physically manhandled and mauled broadcast journalist Albert Loyola inside the announcer’s booth of dxRJ in Santa Felomina in Iligan City on January 13, 2010 at about 7:50 a.m,” ani ng NUJP na nilagdaan nina Richel Umel, ang lokal na chairman ng grupo at Ronnie Enderes, ang vice chairman. (Merlyn Manos)

No comments:
Post a Comment