Tuesday, February 09, 2010

500 ikakasal sa Bacolod City

TINATAYANG aabot sa mahigit 500 ang bilang ng mga magsing-irog na magpapakasal sa Velentine’s Day sa lungsod ng Bacolod, ayon sa ulat.

Handa na umano ang pamahalaang lokal para sa papalapit na mass wedding na tradisyonal na isinasagawa sa Bacolod ni Mayor Evelio Leonardia na siya rin inaasahanh tatayong ninong sa mga bagong kasal.

Posibleng ito ang magiging pinakamalaking mass wedding sa Bacolod dahil sa mga nakalipas na taon ay ilang daan lamang ang ikinasal. Bahagi rin ito ng programa ni Leonardia upang masiguro ang kinabukasan ng bawat pamilyang ikakasal.

Isang malaking reception rin umano ang inihanda ng alkalde sa mga bagong kasal at idaraos ito sa Bays Center. Inaasahang daragsain ito ng mga turista at kamag-anakan ng mga bagong kasal.

No comments: