Tuesday, February 09, 2010

Ama tangay ang anak, tumalon sa balon sa Cebu!

ISANG AMA ang umano’y nawala sa pagiisip matapos na mamatay sa panganganak ang sariling asawa, ngunit ang matindi nito ay tumalon sa isang balon ang lalaki bitbit ang bagong silang na sanggol sa Cebu, ayon sa mga ulat.

Mabuti umano at natagpuan ang amang si Romoo Tambo-boy, 35, at ang kanyang anak matapos ng halos 16 oras na paghahanap. Naganap umano ang incident nuong nakaraang Sabado sa Poblacion ng bayan ng San Remigio, ayon sa pulisya at sa ibang ulat kahapon.

Nabatid lamang na nawawala na ang ama at ang sanggol ng magtungo sa himpilan ng pulisya ang ina ni Romeo at humingi ng tulong na mahanap ang dalawa.

Laking gulat naman ng lahat ng makita ang mag-ama sa balon at hinang-hina na. Mabuti umano at walang tubig ang balon at hindi namatay ang sanggol. Agad naman isinugod sa pagamutan ang dalawa.

Posible umano nasiraan ng bait ang lalaki dahil sa naganap sa asawang mahal na mahal umano.

No comments: