Sunday, February 14, 2010

Basilan, wala pa rin pagbabago

BASILAN (Mindanao Examiner / Feb. 14, 2010) – Halos patapos na ang termino ni Basilan Governor Jum Akbar, ngunit nakabitin pa rin ang tanong ng karamihan kung ano ang nagawa nito sa loob ng kanyang matagal ng panunungkulan sa lalawigan.

Wala umanong makitang pagbabago sa lalawigan, maliban sa patuloy na kaguluhan at kidnappings. Wala rin umanong mga development projects at karamihan ay pawang mga infrastructure program ng Armed Forces of the Philippines at US military ang madalas mainagurahan sa Basilan.

Madalas rin umanong nasa Maynila si Akbar kung kaya’t hindi halos matagpuan sa kanyang tanggapan. At kung nasa Basilan man ito ay halos hindi naman nagtatagal, ayon sa mga residente.

Gayun rin naman sa ibang mga alkalde ng lalawigan na madalas ay wala diumano sa kanilang mga tanggapan. Hindi rin mabatid kung saan napupunta ang mga Internal Revenue Allotment ng mga opisyal sa Basilan at walang makitang mga billboard ng proyekto sa lalawigan.

Dapat umanong busisihin ng Commission on Audit ang lahat ng gastuhin sa Basilan at proyekto ng ibat-ibang mga ahensya upang matiyak na nagagamit sa wastong paraan ang pondo ng pamahalaan. (Mindanao Examiner)

No comments: