ILIGAN CITY (Mindanao Examiner / Feb. 9, 2010) – Isang malawak na manhunt ang isinasagawa ng mga awtoridad matapos na mamaril ang isang government militia na ikinasugat ng apat na katao sa Agusan del Norte province.
Sinabi ng pulisya na pinaghahanap nito ang dalawang suspek – isa sa kanila ay miyembro diumano ng CAFGU - matapos na paulanan ng bala ang mga biktima sa Poblacion ng bayan ng Santiago nuong nakaraang linggo.
Hindi malinaw ang motibo ng krimen at inaalam ng pulisya kung may kinalaman ba sa hanap-buhay o away-pamilya ang pinagmulan ng pamamaril.
Inaalam naman ng pulisya kung tunay na CAFGU ang isang suspek, ngunit hindi naman makunan ng pahayag ang Philippine Army sa naturang lalawigan ukol sa pagkakasangkot ng isang militiaman sa krimen.
Naganap ang atake sa kabila ng gun ban na pinaiiral ng Commission on Elections dahil sa nalalapit na halalan. Ngunit exempted naman ang mga CAFGU sa gun ban, ngunit tiyak na sabit ang army battalion na siyang may control sa suspek dahil sa naganap. (May karagdagan ulat si Merlyn Manos)
Tuesday, February 09, 2010
CAFGU militia, sabit sa pamamaril sa Mindanao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment