GENERAL SANTOS CITY (Mindanao Examiner / Mar. 25, 2010) – Inilabas na rin sa wakas ng korte ang arrest warrants ng halos 200 katao na isinabit ng mga awtoridad sa malagim na pagpaslang sa 57 katao – 32 sa mga ito ay pawang mga journalists – sa Maguindanao province nuong nakaraang taon.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN ay mismong si Judge Jocelyn Reyes, ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221, ang naglabas ng arrest warrants para sa mga akusado, kabilang ang ilang mga “John Does.”
Ang John Does ay ang mga suspek na hindi alam ang pangalan at maari itong gamitin sa pagaresto ng mga inosenteng sibilyan at palabasin na kabilang sila sa mga akusado.
Kabilang sa mga akusado ay sina Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., ang mga anak na sina Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan, Datu Unsay town mayor Andal Jr, at iba pang mga clan members na ngayon ay nakapiit sa ibat-ibang lugar matapos silang dakpin mataposn ng Nob.23 massacre.
Kabilang sa mga nasawi ay ang asawa ni Buluan town Vice Mayor Esmael Mangudadatu, kapatid at tiyuhin at mga kamag-anakan. Maghahain sana ang grupo ng certificate of candidacy ni Mangudadatu na tumatakbo bilang governor ng Maguindanao ng harangin sila ng halos 100 armado sa pangunguna diumano ni Andal Jr at saka dinala sa liblib na lugar sa bayan ng Ampatuan at doon ay walang-awang pinagtataga at pinagbabaril ang mga ito. (Mindanao Examiner)
Thursday, March 25, 2010
Arrest warrants vs. Maguindanao massacre suspects inilabas na!
Ang mga wasak na sasakyan na ito at ang back hoe sa kanyang likuran na pagaari ng Maguindanao provincial government na umano'y ginamit sa paglilibing ng 57 katao na walang awang pinatay nuong Nob. 23, 2009 sa bayan ng Ampatuan ay nagsisilbing alaala sa malagim na sinapit ng mga biktima, kabilang ang 32 mga journalists. Nasa pangangalaga ng pulisya sa General Santos City ang mahigpit na pagbabantay sa mga ebidensya na gagamitin laban sa angkan ng Ampatuan na inakusahan sa masaker. Itinanggi ng mga Ampatuan ang lahat ng paratang sa kanila. (Mindanao Examiner Photo)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment