DAVAO CITY (Mindanao Examiner / April 20, 2010) – Nanawagan kahapon ang mga human rights advocates sa Davao City na imbestigahan maiigi ang 26 na pulis na sinuspinde ng Ombudsman dahil umano sa kapabayaan sa kanilangn tungkulin na malutas ang Talamak na patayan doon.
Sinuspinde ang 26 matapos na mapatunyang pumalya ang mga ito na imbestigahan ng husto ang mga extrajudicial killings na ibinibintang sa Davao Death Squad na ang kalimitang biktima ay mga mandurokot at mga diumano’y sangkot sa mga krimen.
Daan-daan na ang pinatay sa mga nakalipas na taon at halos walang nahuhuling mga miyembro ng Davao Death Squad. Unang ibinintang ng mga kaanak ng mga napatay sa pulisya ang extrajudicial killings sa Davao.
At ngayon ay nais ng mga human rights advocates na imbestigahan ng National Police Commission at ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan kung sangkot ang 26 na pulis sa extrajudicial killings.
Nanawagan rin ang mga ito sa Commission on Human Rights na muling buksan ang imbestigasyon ukol sa extrajudicial killings sa Davao City.
Nabatid na nuong pang Enero 11 ipinag-utos ng Ombdusman ang suspension ng 6 buwan ang mga pulis, subalit kamakalawa lamang ito ipinatupad ng Philippine National Police sa hindi pa mabatid na kadahilanan. Lalo umanong nagbigay ito ng hinala na pinagtatakpan ng pulisya ang mga sinuspindeng pulis. (Mindanao Examiner)
Tuesday, April 20, 2010
26 parak sa Davao City, sinuspinde!
Labels:
Davao Death Squad,
Extra-Judicial Killings
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment