Sunday, April 25, 2010

AFP, PNP magbibigay ng dagdag proteksyon sa PCOS, balota sa Western Midnanao




Dumating na rin sa wakas sa Cotabato City ang mga balota na gagamitin sa automated elections sa susunod na buwan. Ang mga balota ay gagamitin sa Cotabato City at Maguindanao province. Sinigurado naman ng militar at pulisya na may sapat na proteksyon ang mga balota at Precinct Count Optical Scan machines. (Mindanao Examiner Photo - Mark Navales).

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / April 25, 2010) – Magbibigay umano ng sapat na siguridad ang militar at pulisya upang maproteksyunan ang mga balotang gagamitin sa halalan sa susunod na buwan.

Naunang dumating ang mga Precinct Count Optical Scan o PCOS machines sa Zamboanga City kamakalawa at sinundan naman ito kahapon ng mga balotang nakalaan sa Zamboanga Sibugay, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Sinigurado ng Western Mindanao Command na may sapat na proteksyon ang mga ito.

“Municipal treasurers will receive and transport their ballots to their respective areas. The Task Force Zamboanga (ng Western Mindanao Command) and the Zamboanga City Police Office will provide the necessary security during the turn-over of the ballots,” ani kahapon ni 1st Lt. Steffani Cacho, ang tagapagsalita ng Western Mindanao Command.

Sinabi pa nitong nakahanda na rin ang Commission on Elections regional office sa Western Mindanao at Autonomous Region in Muslim Mindanao sa anumang karagdagang abiso ng COMELEC Central Office ukol sa mga susunod na delivery ng mga balota.

Nuong nakaraang linggo ay 14 na PCOS machines ang kulang sa delivery ng COMELEC sa Zamboanga City na 424 lamang. Mabuti na lamang at muling binilang ang mga ito sa isang warehouse sa Zamboanga at doon lamang nabatid na kulang ito.

Nagpalusot ang COMELEC na naiwan lamang sa kanilang warehouse sa Laguna province ang 14 na PCOS. Kung hindi nabisto ay posibleng magamit ang 14 PCOS machine sa anomalya. Tinatayang 76,000 PCPS machines ang kailangan sa kauna-unahang automated elections sa bansa.

Wala pa rin tiwala ang publiko sa COMELEC dahil sa mga sari-saring bintang sa poll body mula ng mabuko itong may sabwatan sa pandaraya nuong 2004 presidential elections na kung saan ay nagwagi sa Pangulong Gloria Arroyo. (Mindanao Examiner)

No comments: