COTABATO CITY (Mindanao Examiner / April 30, 2010) – Isang roadside bomb ang sumabog kahapon sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao ilang minuto lamang ang nakalipas ng dumaan ang convoy ni provincial gubernatorial candidate Esmael Mangudadatu.
Hindi naman agad mabatid kung sino ang nagtanim ng bomba, ngunit ang nasabing bayan ay kuta ng angkan ng mga Ampatuan na siyang itinuturong nasa likod ng pagpatay sa 57 katao sa Maguindanao nuong nakararang taon.
Kabilang sa mga nasawi ay ang asawa, tiyuhin at kapatid ni Mangudadatu, gayun rin ang 32 journalists na sumama sa convoy ng pulitiko.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang 6th Infantry Division at hindi rin sinasagot ng mga tagapagsalita at opisyal nito ang tawag ng mga journalists upang makakuha ng karagdagang ulat sa pambobomba.
Ngunit Kinumpirma naman ng pulisya ang pagsabog at sinabing naganap ito sa Barangay Kauran at halos 15-20 metro ang layo sa highway na dinaanan ni Mangudadatu.
“It so happen that Toto Mangudadatu was passing near the area to attend a political rally and apparently there was an explosion about 15 to 20 meters from the main road in Ampatuan (town),” ani Senior Supt. Alex Lineses, ang Maguindanao police chief.
Sinabi ni Lineses na iniimbestigahan ng pulisya ang pagsabog. (May karagdagang ulat ni Mark Navales)
Friday, April 30, 2010
Convoy ng Toto Mangudadatu, nakaligtas sa pambobomba
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment