ILIGAN CITY (Mindanao Examiner / June 28, 2010) – Humihingi umano ng malaking ransom ang mga kidnappers ni Nuraldin Yusoph, ang dinukot na anak ni Commission on Elections Commissioner Elias Yusoph.
Si Nuraldin ay dinukot ng mga armado sa labas ng isang mosque sa Marawi City sa Lanao del Sur nuong Hunyo 20 at hiniling ng mga kidnappers sa matandang Yusoph na ibasura ng Comelec ang resulta ng nakaraang halalan sa apat na bayan sa naturang lalawigan kapalit ng kalayaan ng biktima.
Ngunit ibinasura naman ito ng Comelec ang hiling ng mga kidnappers at sinabing walang kapangyarihan ang ama ni Nuraldin na desisyonan ang kanilang kahilingin. Unang inilutang ng pulisya sa Lanao del Sur na posibleng mga kamag-anakan lamang ng mga Yusoph ang nasa likod ng pagdukot, ngunit ngayon Lunes ay inulat ng ABS-CBN na humihingi na ng ransom ang mga kidnappers kapalit ng kaligtasan ni Nuraldin.
Sa nasabing ulat ay kinumpirma umano ni Secy. Jesus Dureza, ang hepe ng Mindanao Development Authority, na may ransom na hinihingi ang mga kidnappers. Subalit hindi naman sinabi ni Dureza kung magkano ito maliban lamang na malaking halaga ng salapi ang kinapapalooban nito.
May no-ransom policy ang pamahalaang, ngunit hindi naman ito nasusunod at maraming kaso na ng kidnappings na kinasasangkutan ng mga kilalang tao ang napalaya dahil sa pagbabayad ng salapi sa mga kidnappers.
At kalimitan dito ay pinalalabas lamang ng pamahalaang na walang naganap na bayaran at na-rescue ang kalimitan dahilan ng mga paglaya ng mga dinukot sa Mindanao. (Mindanao Examiner)
Monday, June 28, 2010
Kidnappers ni Nuraldin Yusoph, humingi ng ransom!
Labels:
Comm. Elias Yusoph,
Nuraldin Yusoph
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment