Sunday, August 08, 2010

Dengue, kalat sa Zambo at North Cotabato


Ang uri ng lamok (Aedes aegypti) na nagdadala ng sakit at kabilang dito ang dengue fever


ZAMBOANGA DEL SUR (Mindanao Examiner / Aug. 8, 2010) – Mahigit sa tatlong dosenang katao na ang diumano’y namatay sanhi ng dengue fever sa dalawang lugar sa Mindanao.

Sa Zamboanga City ay mahigit sa dalawang dosena na ang kumpirmadong nasawi dahil sa naturang sakit sa mga nakalipas na buwan.

Agad naman iniutos ng mga awtoridad ang malawakang kampanya sa mga ibat-ibang barangay upang mapuksa ang mga pinamumugaran ng mga lamok (Aedes aegypti) na may dala ng sakit.

Maging ang mga mamamayan ay naglilinis na rin ng kanilang mga bakuran, partikular sa mga containers na may lamang maruming tubig, mga kanal at iba pa na pwedeng pamahayan ng lamok.

Sa North Cotabato naman ay mahigit sa isang dosena rin ang nasawi dahil sa sakit mula pa nitong taon.

Sa record ng Department of Heath ay sinabi nitong Karamihan sa mga namatay sa dengue fever ay sa bayan ng Pigkawayan, Libungan, Makilala at Arakan. May naiulat rin umano sa Kidapawan City.

Kadalasan ay sa umaga at takip-silim umano ang paboritong oras ng mga lamok sa kanilang pagkain at ito rin ang dahilan kung bakit nalilipat sa tao ang nasabing sakit.
(Ulat nina Geo Solmerano at Becky de Asis)

No comments: