ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Oct. 17, 2010) – Todo bantay ngayon ang mga lokal na awtoridad sa pagpasok ng bagyong Juan sa bansa upang mabigyan ng sapat na proteksyon ang publiko sa posibleng kalamidad dala ng malakas na ula.
Pumasok na sa northern Luzon ang bagyo, ngunit bagama’t malayo sa Mindanao ay dama naman sa Zamboanga City ang masamang panahon dala nito.
Kahapon lamang ay binaha ang maraming lugar sa Zamboanga at halos liparin ang maraming mga signboards sa downtown area.
Nawasak naman ang malaking signboard ng Ateneo de Zamboanga at maging pader nito ay nasira rin dahil sa lakas ng hangin at ulan at lahat ng ito’y sanhi lamang ng buntot ng bagyong Juan na may international codename na “Megi”.
Malakas pa rin ang hangin sa Zamboanga at nasa daungan naman ang maraming fishing boats dahil sa malalaking alon sa karagatan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mahahagip ng bagyo ang Ilocos area at naitala ang lakas ng hangin taglay nito sa 195 kilometers per hour hanggang sa 230 kilometers per hour.
Unang mahahagip ng bagyo ang Cagayan Valley at inalabas na rin ng PAGASA ang Signal No. 2 at 3 sa maraming lugar doon sa northern Luzon. (Mindanao Examiner)
Sunday, October 17, 2010
Zambo, handa rin sa bagyo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment