Isang sundalo ng Moro Islamic Liberation ang nagbabantay sa isang barangay sa Mindanao. (Mindanao Examiner Photo)
COTABAO CITY (Mindanao Examiner / Nov. 21, 2010) – Posibleng sumiklab na naman ang isang malaking labanan sa magulong rehiyon ng Mindanao kung tuluyang gumuho ang peace talks sa pagitan ng pamahalaang Aquino at rebeldeng Moro Islamic Liberation Front.
Nabigla ang MILF sa pangigiit ng pamahalaan na palitan si Malaysia peace facilitator Datuk Othman bin Abdl Razak dahil sa umano’y hinalang pumapanig ito sa mga rebelde.
Ngunit sinabi ng MILF na ang tanging papel ni Othman sa peace talks ay ang magsilbing mediator lamang at lahat ng mga kasunduan ay sa pagitan ng mga peace panels.
Nagmamatigas umano si government chief peace negotiator Marvic Leonen na palitan ng Malaysia si Othman, ngunit hindi naman sangayon dito ang MILF dahil tiyak na mangangapa sa dilim ang sinumang papalit kay Othman at lalong magtatagal ang peace talks.
Sinabi ng MILF na kung tuluyang mabubuwag ang peace talks ay tiyak na sisiklab na naman ang kaguluhan sa Mindanao.
Hindi naman mabatid kung bakit ngayon lamang nagreklamo si Leonen na ipinalit ni Pangulong Benigno Aquino bilang pinuno ng peace panel. Nais naman ng maraming civic organization sa Mindanao na palitan rin si Leonen, na kilalang anti-MOA AD advocate, ng isang taga-Mindanao.
Ang MOA AD ay ang memorandum of agreement on ancestral domain na nabasura sa kapanahunan ni Pangulong Gloria Arroyo dahil na rin sa protesta ng mga pulitikong may interest at malaking ari-arian sa Mindanao.
Ang MILF ay nakikibaka para sa kapakanan ng mga Muslim sa bansa. Ang Mindanao ay dating bahagi ng Sultanate, ngunit nawala ito sa mga Muslim dahil sa pagpasok ng mga taga-Luzon at Visayas sa rehiyon noon kapanahunan ng Kastila. (Mindnao Examiner)

No comments:
Post a Comment