Sunday, November 14, 2010

Mommy Dionisia, 'knockout' sa Cowboys Stadium

GENERAL SANTOS CITY (Mindanao examiner / Nov. 14, 2010) – Hinimatay ang ina ni boxing superstar Manny Pacquiao dahil sa pressure ng laban ng anak kay Mexican “tornado” Antonio Margarito sa Cowboys Stadium sa Texas.

Nagdarasal umano si Mommy Dionisia habang pinanonood ang laban sa second round ng hinimatay ito, ngunit mabilis naman naagapan ng mga anak na sina Roel at Bobby Pacquaio at Jinky, ang may-bahay ng Pambansang Kamao.

Nabatid ito matapos na mag-text ang mga kasamahaan ni Mommy Dionisia sa kanilang pamilya sa Sarangani province at General Santos City na kung saan ay naiwan ang ama ni Manny na si Mang Rosalio.

“Oo tutuo yan at hinimatay nga si Mommy Dionisia at siguro dahil na rin sa pressure ng laban ni Manny. Hindi naman kasi sanay si Moomy Dionisia na manuod ng live sa mga laban ni Manny, pero okay naman siya…sa second round daw hinimatay si Mommy Dionisia,” ani sa Mindanao Examiner ng isang malapit sa pamilyang Pacquiao na kasamang nanuod ng laban sa bahay ni Manny sa General Santos City.

Unang naglabas ng tweet si Dr. Vicky Belo at ayon sa kanya ay “Mommy Dionisia is unconscious…I don’t know if its cuz she prayed too much or she’s having an attack.”

At sinundan pa ito ng isang tweet na ayon sa ABS-CBN ay: “She has not regained consciousness. Please pray for mommy D.”

Maging ang estranged husband ni Mommy Dionisia ay nagsabing hindi na umano dapat pinanuod ng milyonaryang ina ni Manny ang laban dahil hindi ito sanay na makita ang anak na nakikipag-boxing sa ring.

Nanalo si Manny laban kay Margarito at walo na ang hawak na title belt ni Pacquiao. (Mindanao Examiner)

No comments: