ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 7, 2010) – Binalot na naman ng sunod-sunod na blackout ang Zamboanga City sa kabila ng patuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng western Mindanao.
Kahapon lamang ay ilang beses nawalan ng kuryente at tumatagal ito mula 1-2 oras at inis at pagkayamot naman ang reklamo ng karamihan dahil sa dalang perwisyo ng blackout.
Ngunit nuong nakaraang buwan pa umano pabalik-balik ang blackout at karamihang reklamo ng mga residente ay ang pagkasira ng kanilang mga appliances.
Unang naglabas ng anunsyo ang Zamboanga City Electric Cooperative nuong nakaraang lingo na may gagawin itong maintenance sa ilang line feeder, ngunit mas maraming mga blackout ang walang abiso.
Nitong taon lamang ay halos 8 oras na blackout ang naranasan ng Zamboanga City at dahiln nito umano ang tag-tuyot sa malaking bahagi ng Mindanao at mababang level ng tubig sa Lake Lanao, isa sa mga source ng tubig ng Maria Christina Falls na siyang nagbibigay ng kuryente sa nasabing rehiyon.(Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment