ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Dec. 26, 2010) – Isa sa mga suspek sa bagong asasinasyon kay Sulu Governor Sakur Tan ang diumano’y nakatakas, kasama ang tatlong iba, mula sa bilangguan ng Criminal Investigation and Detection Group sa kampo ng pulisya sa Zamboanga City.
Ayon sa pulisya ay nakapuga si Sulaiman Muin, na itinuturong sangkot sa pambobomba sa convoy ni Tan nuong nakaraang taon sa bayan ng Patikul na kung saan ay sugatan ang pulitiko at 10 iba pa. Ang tatlong nakapuga ay nakilala naman sina Khadaffy Askalani, Salipao Pulalun at Nadzmie Amerul.
Pasko umano ng makapuga ang apat, ngunit malaki ang hinala na sila’y pinatakas ng dalawang bantay na pulis na Muslim na nakilalang sina PO1 Renoman at PO1 Algemar Sahiron.
Posibleng nabayaran diumano ang dalawang bantay ng mastermind ng bigong asasinasyon at nag-utos na ang pamunuan ng pulisya na imbestigahan ang dalawa upang mabatid kung may kinalaman nga ang mga ito sa pagtakas ng apat na bilanggo.
Nabatid na sinira diumano ng apat ang kisame ng kanilang selda at rehas na kahoy dakong madaling araw ng Sabado, subali’t hindi naman ito pinaniniwalaan ng mga bikitma ng pambobomba sa Patikul. Hinihiling ng mga biktima na patawan ng kaparusahan ang dalawang pulis upang makulong agad sa lalong madaling panahon.
Nagaalala naman ang mga iba na posibleng magkaroon ng whitewash sa imbestigasyon dahil sa salaping ikinalat ng mga nasa likod ng terorismo. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment