ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / Dec. 28, 2010) – Naabo ang isang pamilihan ng mga paputok sa bayan ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay matapos na masunog ito dahil rin sa paputok na aksidenteng naihagis doon.
Ayon sa pulisya ay wala naman nasaktan o namatay sa sunog na naganap Kamakalawa ng gabi sa mismong poblacion. Nabatid na nahagip ng paputok ang naturang tindahan kung kahat ito’t nasunog.
Natupok rin sa sunog ang ilang mga stalls na nagbebenta ng mga kung anu-anong paputok at pangregalo sa pasko.
Ilang oras rin nagtagal ang sunog bago ito naaupula ng mga bombero dahil sa kakulangan ng tubig. Wala rin fire hydrant diumano sa nasabing bayan dahil pahirapan ang tubig doon.
Nuong 1995 ay nasunog rin ang buong Ipil dahil sa pagatake ng mga Abu Sayyaf sa nasabing bayan.
Mistulang piyesta naman sa Ipil sa tuwing uulan dahil libreng makakakuha ng tubig ang mga residente. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment