COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Feb. 20, 2011) – Wala pa rin humpay ang patayan sa magulong lungsod ng Cotabato matapos na atakihin ng mga gun-for-hire ang isang negosyante sa loob mismo ng kanyang bahay doon.
May-ari umano ng isang restoran sa Cotabato ang biktima at ilang ulit itong pinagbabaril Kamakalawa ng hapon sa kanyang bahay. Hindi naman agad mabatid kung may kasamahaan ito ng maganap ang pagpatay.
Sa ulo at dibdib umano ng babae ang puntirya ng lahat ng tama ng baril at wala na itong buhay ng matagpuan ng mga kapit-bahay. Hindi rin agad mabatid kung may nakakita sa mga kriminal.
Subali’t ayon sa ilang ulat ay tumakas ang dalawa sa ng isang motorsiklo.
Talamak ang patayan sa Cotabato na kung saan ay halos kagagawan ng mga gun-for-hire ang mga krimen doon. Ilang ulit na rin nanawagan ang ilang mga sector sa Cotabato na sibakin ang hepe ng pulisya doon dahil sa kabiguan nitong pigilan ang pagtaas ng kriminalidad.
Nais rin ng mga civil group na busisiin ng pamahalaang Aquino ang intelligence fund ng lokal na pamahalaan upang mabatid kung saan ito napupunta dahil sa kabiguan rin diumano ng alkalde na pigilan ang kaguluhan doon.

Nuong nakaraang buwan lamang ay isang negosyanteng Tsinoy ang dinukot sa labas lamang ng Estosan Hotel di-kalayuan sa compound ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa nasabing lungsod. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment