Maging mga bata sa Davao City ay nakisama na rin sa pagtawag sa pamahalaang Aquino na bilisan ang paglikas ng mga stranded Pinoy workers sa Libya sa larawang ito na ipinasa sa Mindanao Examiner ng grupong Bayan na siyang nanguna sa candle-lighting bilang pakikisimpatya sa mga kababayang nagpipilit na tumatakas sa magulong bansa. (Kuha ni Karlos Manlupig)
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 5, 2011) - Pinangunahan ng militanteng grupo na Bayan ang isang candle-lighting sa Davao City bilang pakikiisa sa muling pagbabalik ng demokrasya sa naturang bansa na ngayon ay nababalot sa sigalot at kaguluhan.
Nanawagan rin ang Bayan at iba pang mga militanteng grupo sa pamahalaan Aquino na bilisan ang pagligtas sa mga libo-libong Pinoy workers na na-trapped sa kaguluhan.
Nais ng mga Libyans na mapatalsik pinunong si Colonel Moamar Ghadafi na ilang dekada na sa kanyang paninilbihan. Damay naman sa gulo sa ibat-ibang lugar sa Libya ang maraming Pinoy na ngayon ay pilit na tumatakas mula sa magulong bansa.
Sinabi ng Bayan sa Mindanao Examiner na dapat bilisan ng pamahalaan ang rescue sa mga stranded na Pinoy workers at bigyan ng karagdagang tulong-pinansyal ang mga nagsisibalik.
Sa kasalukuyan ay P10,000 lamang ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga repatriated Pinoy workers, ngunit hindi naman ito sapat. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment