Thursday, March 17, 2011

Masaker suspek, laglag sa Maguindanao!


COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 17, 2011) – Isa umanong mga akusado sa binansagang “Maguindanao massacre” ang nadakip sa naturang lalawigan, at patuloy pa rin ang paghahanap sa iba pang mga may kinalaman sa pagpatay sa 57 katao nuong 2009.

Ayon sa ulat ng pulisya ay nasakote umano si Astumi Timba sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Kamakalawa matapos na itimbre ng mga residente doon sa mga awtoridad.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Timba ukol sa kanyang pagtatago, ngunit ayon sa isang impormante ay makikipagtulungan umano ito sa pulisya at militar upang madakip rin ang iba pang kasamahaan.

Kasama umano si Timba sa mahigit 100 katao na pumatay sa 57 mga sibilyan, kabilang ang 32 journalists, sa utos diumano ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Ilang ulit naman itinanggi ni Ampatuan ang bintang laban sa kanya. Mahigit sa 80 na ang nadakip mula noon at kasamang magulong ay si Ampatuan, ang ama at kapalit nito na sina Andal Sr., at Zaldy Ampatuan, na siyang governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Mindanao Examiner)

No comments: