Saturday, May 14, 2011

Ama pinatay ng sariling anak!


ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / May 13, 2011) – Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaki na umano’y pumatay sa sarili nitong ama matapos na magtalo sa kanilang bahay sa Zamboanga City sa Mindanao.

Ayon sa pulisya ay parehong lasing ang mag-ama at nagkapikunan umano habang nagtatalo. Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si Kutong at ang anak nito na si Jack, 18, na umano’y mabilis na tumakas matapos na masaksak ang 50-anyos na ama.

Hindi naman mabatid ng ina ni Jack kung saan nagtatago ang anak, ngunit malaking problema umano ito sa pamilya. Sinabi naman ng pulisya na nahaharap sa kasong kriminal ang binatilyo.

Naganap umano ang pamamaslang kamakalawa ng gabi ng parehong umuwi ng lasing ang mag-ama. Hindi naman sinabi ng pulisya kung ano ang pinag-ugatan ng away, subalit ayon sa mga kapit-bahay ay posibleng pera ang dahilan nito.

Walang trabaho ang binatilyo at tanging ama lamang nito ang bumubuhay sa pamilya. Walo umano ang naiwang anak ng ama. (Mindanao Examiner)

No comments: