Monday, June 06, 2011

Estudyante muling nagprotesta sa pagbubukas ng klase!

Protesta konta mataas na matrikula sa mga paaralan sa Davao City sa Mindanao. (Kuha ni Karlos Manlupig)


DAVAO CITY (Mindanao Examiner / June 6, 2011) - Muli na naman nagprotesta ang mga estudyante sa lungsod ng Davao sa Mindanao dahil sa mataas na matrikula at kasabahay nito ang pagbubukas ng klase ngayon Lunes.

Dala ang mga placard, buong tapang naman na binatikos ng mga nag-protesta ang walang humpay na implementasyon ng tuition fee increase.

Suportado rin ng maraming estudyante sa ibat-ibang unibersidad at kolehiyo ang hinaing mga nag-protesta.


Ayon sa Commission on Elections ay mahigit sa 280 mga paaralan, kabilang ang halos tatlong dosena mula Davao region ang nagtaas ng matrikula at miscellaneous fees.

No comments: